| SHOWBIZ |
Buhay na buhay si Aga Muhlach!Source: YEHEY Contributors DF Issue No. 29 April 05
|
|
Si Aga Muhlach na nga ang pinakahuling biktima ng mga “patay na” rumor ngayon. Nagulantang ang showbiz world kamakailan nang magkalat ang tsismis via text messages na namatay daw ang matinee idol na si Aga Muhlach.
Such wild rumor claimed that Aga died in a car accident when he was on his way to his farm in Batangas. May kasama pa itong detalye na kesyo naaksidente ang aktor sa Tagaytay area at dead on the spot. Pero obviously, isa lamang itong napakalaking kwento na inimbento nang kung sino mang gustong magsimula ng panibagong showbiz scandal. Dahil ang totoo, buhay na buhay si Aga!
In fact, nagpa-interview na nga ito sa media para i-prove na walang katotohanan sa tsismis ng “pagkamatay” niya. Sinabi nitong nang kasalukuyang kumakalat ang balita ay nasa Alabang siya at nag-gigym sa may village nila. Natawa na lang ang aktor sa balita dahil hindi lamang kasi ito ang first time na napabalitang patay na siya. Nagbiro na lang siya na hahaba pang lalo ang buhay niya dahil sa mga ganitong nasty rumors.
Incidentally, nagtatry na magshed ng konting pounds ngayon si Aga in preparation for his upcoming movie under Star Cinema. For sure mami-miss siya ng mga fans niya not for the reason of his so-called “demise,” but because he will be in Dubai for three whole weeks to shoot the movie with Claudine Barretto.
|
| ©2004 Diario Filipino. All Rights Reserved. |