| SHOWBIZ |
Matet, todo suporta pa rin kay NoraDF Issue No. 29 April 05
|
|
Mula nang mag-asawa si Matet de Leon ay napakalaki na nga raw ng ipinagbago nito. Hands-on wife and mother daw siya sa kanyang mister na si Mickey Estrada at sa kanilang baby. Ngayon nga ay kitang kita sa aura nito ang fulfillment niya sa kanyang napiling buhay lalo na at excited na silang mag-asawa sa pagdating ng second baby nila na dinadala ni Matet ngayon.
Nagbago na ang kanyang pananaw sa buhay at nawala ang katarayang identified sa kanya noon. Kaya nang pumutok ang balita tungkol sa mother niyang si Nora Aunor ay hindi na pagtataray ang nakita kay Matet kundi lungkot at awa para sa ina. Naiiyak niyang sinabi sa mga interviews niyang mahal na mahal niya pa rin ang Superstar at susuporta siya dito hanggang sa huli.
Ngayong pansamantalang nakakalaya si Nora sa US habang hinihintay ang pagdinig sa kaso nito ay dasal na lang at moral support ang binibigay ni Matet. Gustuhin man daw niya na magkita sila ng ina at makita nito ang bago nilang baby in the coming months ay mukhang imposible pa sa ngayon.
|
| ©2004 Diario Filipino. All Rights Reserved. |