| SHOWBIZ |
Nakatatawa ang alok na tulong ng NBI kay NoraNi Ed de Leon, Taliba DF Issue No. 29 April 05
|
|
Pati NBI ay nangako nang tutulong sa kaso ni Nora Aunor. Talagang nagulat kami lalo na sa statement sa TV ni NBI Director Reynaldo Wycoco na kung maaari ay tutulong sila sa imbestigasyon ng kaso.
Hindi namin maintindihan kung bakit siya nag-alok ng ganoong tulong gayung wala naman iyon sa kanilang jurisdiction. Sa US nangyari iyon, di ba? Hindi naman dito sa Pilipinas.
Pero matutuwa ka rin sa NBI, tutulong sila sa kaso ni Nora. Pero iyong kaso ni Nida Blanca, apat na taon na sa kanilang kamay, nasa kanilang jurisdiction, pero hanggang ngayon ay wala pang maliwanag na resulta. Murder 'yon, ha. Eh, itong kaso ni Nora, nahulihan lang ng walong gramo ng shabu.
|
| ©2004 Diario Filipino. All Rights Reserved. |